BY: Lalyn L. Quintaes, LPT.
“Hindi maitatanggi na ang kultura at tribo nating mga Pilipino ay maunlad at may pagkakaiba-iba, ngunit sa isang banda tayo pa ri’y pinagbubuklod. Ang Wikang Filipino na siyang nagsilbing sagisag ng ating pagka-Pilipino, nagkakaunawan, at nagging matiwasy ang ating pamumuhay na may iisang ibig — ang pagkakaisa at pagmamahal.” Ang wika ay isang bahagi at pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Nakapaloob sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusiyon ng 1987 ng Republica ng Pilipinas na FILIPINO ang wikang Pambansa. Ang wikang Tagalog, o ang Tagalog, ay isa sa mga pinakaginagamit na wika ng Pilipinas. Ang wikang Tagalog ay may pagkakatulad sa ibang mga wika ng Pilpinas katulad ng mga wikang Austronesyo katulad ng Wikang Indones, wika ng Hawaii at Malgatse.
Ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay pagkakaisa rin ng Komisiyon sa Wikang Filipino sa 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines (2021 QCP) na nakatuon sa mahalagang pangyayari sa bansa sa nakalipas na 500 taon particular na sa Kautusang Tagapagpaganap BLG. 103 na mahigpit na nagtatagubiling ang mga pagdiriwang ay nararapat na maging “Filipino-centric” na nararapat na sumasalamin sa Pilipinong pananaw at nagbabantayog sap ag-unawa at damdamin ng pagmamalaki sa ating mga ninuno at mayamang pamanag kultural sa porma na panitikan, wika, mga sining at iba pang maipestasyong kultural.
Sa kabila ng pandemiyang kinakaharap natin, maari pa rin nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa simple at maayos na paraan. Sa araw nitong Agosto 26, 2021, bilang tugn, ang ating paaralang Cronasia Foundation College, Inc. ay nalulugod na pinagdiwang ang Buwan ng Wika, kasama na ating pinakamamahal na administradora Atty. Cyd Charrise Non-Dizon, REA REB, at magigiting na mga guro sa lahat ng mga departamento ng institusyon. Ang punong-tagapagdaloy ng palatuntunan ay ginampanan ni Binibining Jessa Mae Catajay-Cabaca, LPT, at pinaghandaan ang pag-organisa ng okasyon na ito na kasama ng mga nakatukang mga kasamahan sa pamumuno ni Ginoong Renz Gortisano at ng mga miyembro ng Sining Kalilintad na pinamumunuan ni Ginoong Wally Prick Acabal, LPT na nagbibigay buhay sa maikling programa.
Marami man ang unos na pinagdaanan natin sa buhay o sa kahit anong aspeto man, lubos lamang nating iisipin na ang lahat ay nakakaya sa isip, sa salita, at sa gawa. Mabuhay!